Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, ito ang aking ebanghelyo; at alam ninyo ang mga bagay na kinakailangan ninyong gawin sa aking simbahan; sapagkat ang mga gawang nakita ninyong ginawa ko ay siya rin ninyong gagawin; sapagkat yaong nakita ninyong ginawa ko ay gayon din ang nararapat ninyong gawin; [i]1924[/i] Samakatwid, kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, pinagpala kayo, sapagkat kayo ay dadakilain sa huling araw.