At muli, hindi kayo makararanas ng kirot habang kayo ay nananahan sa laman, ni kalungkutan, maliban sa mga kasalanan ng sanlibutan; at lahat ng ito ay gagawin ko dahil sa bagay na hiniling ninyo sa akin, dahil sa ninais ninyo na kayo ay makapagdala ng mga kaluluwa ng tao sa akin, habang ang daigdig ay nakatindig.