[3 Nephi 27:4–32] Apat na henerasyon na lang

Masdan, nais kong inyong maunawaan; sapagkat ang tinutukoy ko ay sila na ngayon ay nabubuhay sa salinlahing ito; at wala sa kanila ang naliligaw; at sa kanila ay ganap ang aking kagalakan. Ngunit masdan, ako ay nagdadalamhati dahil sa ikaapat na salinlahi mula sa salinlahing ito, sapagkat sila ay naakay palayo na bihag niya maging katulad ng anak na lalaki ng kapahamakan; sapagkat ipagbibili nila ako sa pilak at sa ginto, at sa mga yaong sinisira ng tanga at kung saan ang mga magnanakaw ay sapilitang nakapapasok at nagnanakaw. At sa araw na iyon sila ay parurusahan ko, maging sa pagbabalik ng kanilang mga gawa sa kanilang mga sariling ulo.

From section: Ang Pribadong Pakikipagkita ni Hesus sa Kanyang mga Disipulo

From page: Ang Ministeryo ng Mesias

Commentary