At ngayon, masdan, ang aking kagalakan ay lubos, maging hanggang sa kapunuan, dahil sa inyo, at gayon din sa salinlahing ito; oo, at maging ang Ama ay nagsasaya, at gayon din ang lahat ng banal na anghel, dahil sa inyo at sa salinlahing ito; sapagkat wala sa kanila ang naliligaw.