At masdan, ang lahat ng bagay ay isinulat ng Ama; kaya nga, mula sa mga aklat na isusulat ang sanlibutan ay hahatulan. At alam ninyo na kayo ay magiging mga hukom ng mga taong ito, alinsunod sa kahatulan na aking ibibigay sa inyo, na magiging makatarungan. Kung gayon, maging anong uri ng mga tao ba nararapat kayo? Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maging katulad ko.