Ang Ministeryo ng Mesias

Ang mga Turo ni Hesus Patungkol sa mga Banal na Kasulatan

3 Nephi 20:9

Nang matapos tanggapin ang tinapay at alak, niluwalhati ng mga tao si Jesus.

Ngayon, nang matapos makakain at makainom na lahat ang maraming tao, masdan, sila ay napuspos ng Espiritu; at sila ay sumigaw sa iisang tinig, at nagbigay-papuri kay Jesus, na kapwa nila nakita at narinig.

3 Nephi 23:6

Ipinaliwanag naman ni Jesus ang ilang mga banal na kasulatan, at inihayag ang kanyang pagnanais na sila ay magkaroon ng marami pang mga banal na kasulatan.

At ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ni Jesus ang mga salitang ito muli niyang sinabi sa kanila, matapos na kanyang ipaliwanag ang lahat ng banal na kasulatan sa kanila na kanilang natanggap, kanyang winika sa kanila:

Masdan, may mga ibang banal na kasulatan
na nais kong inyong isulat,
na wala kayo.

3 Nephi 23:7

Hiniling ni Jesus kay Nephi na dalhin ang mga talaan na kanilang iniingatan.

At ito ay nangyari na, na kanyang sinabi kay Nephi:

Dalhin mo rito ang talaang iyong iningatan.

3 Nephi 23:8–9

Si Jesus ay tumingin sa mga talaan, at muling binalikan ang mga bagay na binanggit ni Samuel tungkol sa mga patay na nagpakita sa marami.

At nang madala ni Nephi ang mga talaan, at nailatag ang mga yaon sa harapan niya, itinitig niya ang kanyang mga mata sa kanila at nagsabi:

Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ako ay nag-utos sa aking tagapaglingkod na si Samuel, ang Lamanita, na siya ay magpatotoo sa mga taong ito, na sa araw na luluwalhatiin ng Ama ang kanyang pangalan sa akin na maraming banal ang magbabangon mula sa pagkamatay, at magpapakita sa marami, at maglilingkod sa kanila.

At kanyang sinabi sa kanila:

Hindi ba?

3 Nephi 23:10

Ang mga disipulo ay sumang-ayon na si Samuel ay tunay na nagpropesiya sa mga yaon, at ito ay tunay na nangyari.

At ang kanyang mga disipulo ay tumugon sa kanya at nagsabi:

Oo, Panginoon,
si Samuel ay nagpropesiya alinsunod sa inyong mga salita,
at lahat ng yaon ay natupad.

3 Nephi 23:11

Si Jesus ay nagtanong kung bakit hindi naisulat ang mahalagang propesiya na yaon at ang katuparan nito.

At sinabi ni Jesus sa kanila:

Paanong hindi ninyo naisulat ang bagay na ito,
na maraming banal ang nagbangon
at nagpakita sa marami at naglingkod sa kanila?

3 Nephi 23:12

Naalala ni Nephi na ang mga talaan ay hindi naglalaman ng kung ano tungkol doon.

At ito ay nangyari na, na naalaala ni Nephi na ang bagay na ito ay hindi naisulat.

3 Nephi 23:13

Binilinan sila ni Jesus na gumawa ng ulat tungkol doon.

At ito ay nangyari na, na iniutos ni Jesus na ito ay isulat; kaya nga, ito ay isinulat alinsunod sa kanyang iniutos.

3 Nephi 23:14

Si Jesus ay nagpatuloy sa pagtuturo mula sa mga banal na kasulatan.

At ngayon ito ay nangyari na, nang maipaliwanag ni Jesus ang lahat ng banal na kasulatan sa kabuuan, na kanilang isinulat, kanyang iniutos sa kanila na kanilang ituro ang mga bagay na kanyang ipinaliwanag sa kanila.

3 Nephi 24:1

Sinabihan ni Jesus ang mga tagapangalaga ng talaan kung ano ang mga sinabi niya sa propetang Malachi, at sila ay gumawa ng mga tala ukol dito.

At ito ay nangyari na, na kanyang iniutos sa kanila na nararapat nilang isulat ang mga salitang ibinigay ng Ama kay Malakias, na kanyang sasabihin sa kanila. At ito ay nangyari na, na matapos na ang mga iyon ay maisulat, kanyang ipinaliwanag yaon.

3 Nephi 24:1 – 25:6

Nagpaliwanag si Jesus sa mga salitang kanyang ibinigay kay Malachi tungkol sa mga paghahanda para sa Mesiyas, ikapu at mga handog, at ang misyon ni Elijah.

At ito ang mga salitang kanyang sinabi sa kanila, sinasabing:

3 Nephi 26:1

Si Jesus ay nagturo ng higit pa mula sa mga banal na kasulatan.

At ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito ay ipinaliwanag niya yaon sa maraming tao; at kanyang ipinaliwanag ang lahat ng bagay sa kanila, maging ang napakahalaga o di gaanong mahalaga.

3 Nephi 26:2

Ipinaliwanag ni Jesus na ninanais ng Diyos na ang mga tao ay magkaroon ng mga salita sa banal na kasulatan, na ipinagkaloob lamang sa mga yaon na nasa Israel.

At kanyang winika:

Ang mga banal na kasulatang ito, na wala sa inyo, ay iniutos ng Ama na ibigay ko sa inyo; sapagkat karunungan sa kanya na nararapat ibigay ang mga ito sa mga darating na salinlahi.

3 Nephi 26:3–5

Sinabi ni Jesus sa mga tao ang mga palatandaan ng mga panahon, ang ikalawang pagparito, at ang huling paghuhukom.

At kanyang ipinaliwanag ang lahat ng bagay, maging mula sa simula hanggang sa panahon na siya ay paparito sa kanyang kaluwalhatian—oo, maging ang lahat ng bagay na mangyayari sa balat ng lupa, maging hanggang sa ang mga elemento ay matunaw sa matinding init, at ang lupa ay sama-samang mababalot katulad ng nakalulon na papel, at ang langit at ang lupa ay lilipas;

At maging sa dakila at huling araw, na ang lahat ng tao, at lahat ng magkakamag-anak, at lahat ng bansa at wika ay tatayo sa harapan ng Diyos, upang hatulan sa kanilang mga gawa, kung sila ay mabubuti o kung sila ay masasama— Kung sila ay naging mabubuti, tungo sa pagkabuhay na mag-uli sa buhay na walang hanggan; at kung sila ay naging masasama, sa pagkabuhay na mag-uli sa kapahamakan; bilang magkaagapay, isa sa isang dako at ang isa sa kabilang dako, alinsunod sa awa, at katarungan, at sa kabanalan na na kay Cristo, na buhay na bago pa nagsimula ang daigdig.

3 Nephi 26:15

Kung ang mga tao ay matapat na tatanggap kung ano ang ibinigay, marami pa ang idadagdag sa huli.

At ito ay nangyari na, na matapos na siya ay umakyat sa langit— sa ikalawang pagkakataon na ipinakita niya ang kanyang sarili sa kanila, at nagtungo sa Ama, matapos na pagalingin ang lahat ng kanilang mga may karamdaman, at ang kanilang mga pilay, at buksan ang mga mata ng kanilang mga bulag at alisin ang bara sa mga tainga ng mga bingi, at maging sa magawa ang lahat ng uri ng mga pagpapagaling sa kanila, at ibangon ang isang tao mula sa patay, at ipakita ang kanyang kapangyarihan sa kanila, at umakyat sa Ama—