Ngunit sino ang makatatagal sa araw ng kanyang pagparito, at sino ang makapananatili kapag siya ay magpakita? Sapagkat siya ay katulad ng apoy ng isang maglalantay, at katulad ng sabon ng isang tagapagpaputi. At siya ay mauupo katulad ng isang maglalantay at magdadalisay ng pilak; at kanyang dadalisayin ang mga anak na lalaki ni Levi, at lilinisin sila katulad ng ginto at pilak, upang sila ay makapag-alay sa Panginoon ng handog sa kabutihan.