At ito ay mangyayari, na sinuman ang magsisisi at mabibinyagan sa aking pangalan ay mapupuspos; at kung siya ay magtitiis hanggang wakas, masdan, siya ay pawawalan ko ng sala sa harapan ng aking Ama sa araw na yaon kung kailan ako tatayo upang hatulan ang sanlibutan. At siya na hindi magtitiis hanggang wakas, siya rin ang siyang mapuputol at ihahagis sa apoy, kung saan sila ay hindi na makababalik pa, dahil sa katarungan ng Ama.