At ako, na labinlimang taong gulang at kahit paano ay may kahinahunan ng pag-iisip, anupa’t ako ay dinalaw ng Panginoon, at nakatikim at nakaalam ng kabutihan ni Jesus.
At ako ay nagsikap na mangaral sa mga taong ito, ngunit ang aking bibig ay itinikom, at ako ay pinagbawalang mangaral sa kanila; sapagkat masdan, sila ay hayagang naghimagsik laban sa kanilang Diyos; at ang mga minamahal na disipulo ay inialis sa lupain, dahil sa kanilang kasamaan. Ngunit ako ay namalagi sa kanila, ngunit ako ay pinagbawalang mangaral sa kanila, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso; at dahil sa katigasan ng kanilang mga puso ang lupain ay isinumpa dahil sa kanila.