At ngayon, wika ng Panginoon—
na siyang nag-anyo sa akin mula sa sinapupunan
na maging kanyang tagapaglingkod,
upang dalhin muli si Jacob sa kanya—
kahit na ang Israel ay hindi matipon,
gayon pa man ako’y magiging maluwalhati sa mga mata ng Panginoon,
at ang aking Diyos ang aking magiging lakas.
At sinabi niya:
Ito ay magaang na bagay na ikaw ay aking maging tagapaglingkod
upang ibangon ang mga lipi ni Jacob,
at panumbalikin ang mga labi ng Israel.
Ibibigay rin kitang pinaka-ilaw sa mga Gentil,
upang ikaw ay maging aking kaligtasan
hanggang sa katapusan ng mundo.Ganito ang wika ng Panginoon, ang Manunubos ng Israel, na kanyang Banal,
sa kanya na hinahamak ng tao,
sa kanya na kinapopootan ng mga bansa,
sa tagapaglingkod ng mga namamahala;Ang mga hari ay makakikita at magsisibangon,
mga prinsipe rin ay magsisisamba,
dahil sa Panginoong tapat.