1 Nephi 21:5–7

At ngayon, wika ng Panginoon—
_na siyang nag-anyo sa akin mula sa sinapupunan
_na maging kanyang tagapaglingkod,
_upang dalhin muli si Jacob sa kanya—
_kahit na ang Israel ay hindi matipon,
_gayon pa man ako’y magiging maluwalhati sa mga mata ng Panginoon,
_at ang aking Diyos ang aking magiging lakas.

At sinabi niya:

Ito ay magaang na bagay na ikaw ay aking maging tagapaglingkod
_upang ibangon ang mga lipi ni Jacob,
_at panumbalikin ang mga labi ng Israel.
_Ibibigay rin kitang pinaka-ilaw sa mga Gentil, [i]2248[/i]
_upang ikaw ay maging aking kaligtasan
_hanggang sa katapusan ng mundo.

Ganito ang wika ng Panginoon, ang Manunubos ng Israel, na kanyang Banal,
_sa kanya na hinahamak ng tao,
_sa kanya na kinapopootan ng mga bansa,
_sa tagapaglingkod ng mga namamahala;

Ang mga hari ay makakikita at magsisibangon,
_mga prinsipe rin ay magsisisamba,
_dahil sa Panginoong tapat.

From section: Ang Mga Tagapaglingkot ng Diyos [Isaias 49:1-7]

From page: Ang Mga Sulat ni Isaiah sa Laminang Tanso na Sinipi ni Nephi

Commentary