Ganito ang wika ng Panginoon:
Sa kalugud-lugod na panahon
_ay napakinggan kita,
_O mga pulo ng dagat,
_at sa araw ng kaligtasan ay tinulungan kita;
_at aking pangangalagaan ka,
_at ibibigay ko sa iyo ang aking tagapaglingkod
_na pinakatipan sa mga tao,
_upang itatag ang mundo,
_upang ipamana ang mga mapanglaw na mana;Na maaari mong masabi sa mga bilanggo: Kayo’y magsilabas;
_sa kanila na mga nakaupo sa kadiliman: [i]2249[/i] Magpakita kayo.Sila’y magsisikain sa mga daan,
_at ang kanilang pastulan ay magiging sa lahat ng dako sa kaitaasan.Sila’y hindi mangagugutom ni mangauuhaw man,
_hindi sila mangapapaso ng init ni ng araw man;
_sapagkat siya na may awa sa kanila ang papatnubay sa kanila,
_maging sa mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.At aking gagawing daan ang lahat ng aking mga bundok,
_at ang aking mga lansangan ay patataasin.