1 Nephi 21:1–4

At muli:

Makinig, O kayong sambahayan ni Israel,
_lahat kayong nakahiwalay
_at itinaboy
_dahil sa kasamaan ng mga mangangaral ng aking mga tao;

Oo, lahat kayong nahiwalay,
_na ikinalat,
_na kabilang sa aking mga tao, O sambahayan ni Israel.

Makinig, O mga pulo, sa akin, at makinig kayong mga tao sa malayo;

Tinawag ako ng Panginoon mula sa sinapupunan;
_mula sa sisidlan ng aking ina
_ay binanggit niya ang aking pangalan.

At kanyang ginawa ang aking bibig na parang matalas na espada;
_sa lilim ng kanyang kamay ay ikinubli niya ako,
_at ginawa niya akong makinang na pana;
_sa kanyang lalagyan ng pana ay ikinubli niya ako;

At sinabi sa akin: Ikaw ay aking tagapaglingkod, O Israel,
_na siyang aking ikaluluwalhati.

Pagkatapos sinabi ko, ako’y gumagawang walang kabuluhan,
_aking ginugol ang aking lakas sa wala at sa walang kabuluhan;
_tunay na ang aking kahatulan ay nasa Panginoon,
_at ang aking gantimpala ay nasa aking Diyos.

From section: Ang Mga Tagapaglingkot ng Diyos [Isaias 49:1-7]

From page: Ang Mga Sulat ni Isaiah sa Laminang Tanso na Sinipi ni Nephi

Commentary