At may lalabas na usbong sa puno ni Jesse,
at lilitaw ang isang sanga mula sa kanyang mga ugat.
At mapapasakanya ang Espiritu ng Panginoon,
ang diwa ng karunungan at pang-unawa,
ang diwa ng pagpapayo at kapangyarihan,
ang diwa ng kaalaman at ang takot sa Panginoon;
At kalulugdan niya
ang pagkatakot sa Panginoon;
at hindi siya hahatol nang naaayon sa nakikita ng kanyang mga mata,
ni hindi rin hahatol ng alinsunod sa naririnig ng kanyang mga tainga.
Subalit hahatulan niya ang mga maralita nang may katwiran,
at sasaway sa mga maaamo nang pantay-pantay;
at kanyang hahampasin ang mundo ng pamalo ng kanyang bibig,
at sa hininga ng kanyang mga labi ay papatayin niya ang masasama.
At magiging bigkis ng kanyang baywang ang katwiran,
at katapatan ang pamigkis ng kanyang balakang.