At may lalabas na usbong sa puno ni Jesse,
_at lilitaw ang isang sanga mula sa kanyang mga ugat. [i]2301[/i]
At mapapasakanya ang Espiritu ng Panginoon,
_ang diwa ng karunungan at pang-unawa,
_ang diwa ng pagpapayo at kapangyarihan,
_ang diwa ng kaalaman at ang takot sa Panginoon;
At kalulugdan niya
_ang pagkatakot sa Panginoon;
_at hindi siya hahatol nang naaayon sa nakikita ng kanyang mga mata,
_ni hindi rin hahatol ng alinsunod sa naririnig ng kanyang mga tainga.
Subalit hahatulan niya ang mga maralita nang may katwiran,
_at sasaway sa mga maaamo nang pantay-pantay;
_at kanyang hahampasin ang mundo ng pamalo ng kanyang bibig,
_at sa hininga ng kanyang mga labi ay papatayin niya ang masasama.
At magiging bigkis ng kanyang baywang ang katwiran,
_at katapatan ang pamigkis ng kanyang balakang.