At maninirahan din ang lobo na kasama ang kordero,
_at mahihiga ang leopardo na kasiping ang batang kambing,
_at ang guya at ang batang leon at ang patabain ay magkasamang manginginain;
_at aakayin sila ng isang maliit na bata.
At manginginain ang baka at ang oso;
_at ang kanilang mga anak ay sama-samang mahihiga;
_at kakain ng dayami ang leon na tulad ng baka.
At ang pasusuhing bata ay maglalaro sa lungga ng ahas,
_at ipapasok ng sanggol na kaaawat pa lamang ang kanyang kamay
_sa lungga ng ulupong.
At hindi sila mananakit ni maninira sa lahat ng aking banal na bundok, [i]2302[/i]
_sapagkat mapupuno ang mundo ng kaalaman sa Panginoon,
_tulad ng pagkapuno ng tubig sa karagatan.
At sa araw na yaon ay sisibol ang isang ugat ni Jesse,
_na tatayong pinakasagisag sa mga tao;
_dito ang mga Gentil ay sasangguni;
_at magiging maluwalhati ang kanyang katiwasayan.