At maninirahan din ang lobo na kasama ang kordero,
at mahihiga ang leopardo na kasiping ang batang kambing,
at ang guya at ang batang leon at ang patabain ay magkasamang manginginain;
at aakayin sila ng isang maliit na bata.
At manginginain ang baka at ang oso;
at ang kanilang mga anak ay sama-samang mahihiga;
at kakain ng dayami ang leon na tulad ng baka.
At ang pasusuhing bata ay maglalaro sa lungga ng ahas,
at ipapasok ng sanggol na kaaawat pa lamang ang kanyang kamay
sa lungga ng ulupong.
At hindi sila mananakit ni maninira sa lahat ng aking banal na bundok,
sapagkat mapupuno ang mundo ng kaalaman sa Panginoon,
tulad ng pagkapuno ng tubig sa karagatan.
At sa araw na yaon ay sisibol ang isang ugat ni Jesse,
na tatayong pinakasagisag sa mga tao;
dito ang mga Gentil ay sasangguni;
at magiging maluwalhati ang kanyang katiwasayan.