Subalit masdan, wika ng Panginoon ng mga Hukbo:
Ipakikita ko sa mga anak ng tao
na hindi baga sandaling-sandali na lamang
at ang Libano ay magiging masaganang taniman;
at ang masaganang taniman ay magiging tulad ng kagubatan.At sa araw na yaon ay maririnig ng bingi
ang mga salita ng aklat,
at makakikita ang mga mata ng bulag
mula sa kalabuan at mula sa kadiliman.At madaragdagan din ang maaamo,
at ang kanilang kagalakan ay mag-iibayo sa Panginoon,
at ang mga maralita sa mga tao
ay magagalak sa Banal ng Israel.Sapagkat tiyak na yamang buhay ang Panginoon
ay makikita nila na ang kakila-kilabot
ay mawawalang-saysay,
at ang manlilibak ay matutupok,
at lahat ng gumagawa ng kasamaan ay malilipol;At sila na nagpapahamak ng kapwa sa pamamagitan ng salita,
at naglalagay ng bitag para sa kanya na sumasaway sa pintuang-bayan,
at isinasaisantabi ang matwid dahil sa bagay na walang kabuluhan.