2 Nephi 27:28–32

Subalit masdan, wika ng Panginoon ng mga Hukbo:

Ipakikita ko sa mga anak ng tao
_na hindi baga sandaling-sandali na lamang
_at ang Libano ay magiging masaganang taniman; [i]2313[/i]
_at ang masaganang taniman ay magiging tulad ng kagubatan.

At sa araw na yaon ay maririnig ng bingi
_ang mga salita ng aklat,
_at makakikita ang mga mata ng bulag
_mula sa kalabuan at mula sa kadiliman.

At madaragdagan din ang maaamo,
_at ang kanilang kagalakan ay mag-iibayo sa Panginoon,
_at ang mga maralita sa mga tao
_ay magagalak sa Banal ng Israel.

Sapagkat tiyak na yamang buhay ang Panginoon
_ay makikita nila na ang kakila-kilabot
_ay mawawalang-saysay,
_at ang manlilibak ay matutupok,
_at lahat ng gumagawa ng kasamaan ay malilipol;

At sila na nagpapahamak ng kapwa sa pamamagitan ng salita,
_at naglalagay ng bitag para sa kanya na sumasaway sa pintuang-bayan,
_at isinasaisantabi ang matwid dahil sa bagay na walang kabuluhan.

From section: Ang Mga Hatol ng Diyos sa Huling Araw [Isaias 29:13-24]

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary