2 Nephi 27:33–35

Kaya nga, ganito ang wika ng Panginoon,
_na siyang tumubos kay Abraham,
_hinggil sa sambahayan ni Jacob:

Hindi na ngayon mapapahiya si Jacob,
_ni hindi na ngayon mamumutla ang kanyang mukha.

Subalit kapag nakita niya ang kanyang mga anak,
_na gawa ng aking mga kamay, sa piling niya,
_papupurihan nila ang aking pangalan,
_at papupurihan ang Banal ni Jacob,
_at matatakot sa Diyos ng Israel.

Sila na nagkamali sa diwa
_ay makauunawa,
_at sila na bumubulung-bulong
_ay matututo ng doktrina.

From section: Ang Mga Hatol ng Diyos sa Huling Araw [Isaias 29:13-24]

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary