At muli ito ay mangyayari na sasabihin ng Panginoon sa kanya na babasa sa mga salitang ibibigay sa kanya:
Yayamang ang mga taong ito ay lumalapit sa akin
sa pamamagitan ng bibig lamang,
at pinapupurihan ako ng kanilang mga labi,
samantalang inilayo ang kanilang mga puso sa akin,
at ang kanilang pagkatakot sa akin
ay itinuro ng mga tuntunin ng tao—Samakatwid, magpapatuloy akong gumawa ng
kagila-gilalas na gawain sa mga taong ito,
oo, isang kagila-gilalas at kamangha-manghang gawain,
sapagkat ang karunungan ng kanilang matatalino at marurunong
ay mapapawi,
at ang pang-unawa ng kanilang mahinahon
ay malilingid.
At sa aba nila na nagsisihanap ng mga paraan
upang ikubli nang malalim ang kanilang mga payo mula sa Panginoon!
At ang kanilang mga gawain ay nasa dilim;
at sinasabi nila: Sinong nakakikita sa atin, at sinong nakakikilala sa atin?
At kanila ring sinasabi:
Sa katunayan ang inyong pagbabaliktad ng mga bagay
ay maipalalagay na luwad ng magpapalayok.
Subalit masdan, ipakikita ko sa kanila,
wika ng Panginoon ng mga Hukbo, na nalalaman ko ang lahat ng kanilang gawain.
Sapagkat masasabi ba ng likha sa lumikha sa kanya,
hindi niya ako ginawa?
O masasabi ba ng bagay na may anyo
sa nag-anyo rito,
wala siyang pang-unawa?
Subalit masdan, wika ng Panginoon ng mga Hukbo:
Ipakikita ko sa mga anak ng tao
na hindi baga sandaling-sandali na lamang
at ang Libano ay magiging masaganang taniman;
at ang masaganang taniman ay magiging tulad ng kagubatan.At sa araw na yaon ay maririnig ng bingi
ang mga salita ng aklat,
at makakikita ang mga mata ng bulag
mula sa kalabuan at mula sa kadiliman.At madaragdagan din ang maaamo,
at ang kanilang kagalakan ay mag-iibayo sa Panginoon,
at ang mga maralita sa mga tao
ay magagalak sa Banal ng Israel.Sapagkat tiyak na yamang buhay ang Panginoon
ay makikita nila na ang kakila-kilabot
ay mawawalang-saysay,
at ang manlilibak ay matutupok,
at lahat ng gumagawa ng kasamaan ay malilipol;At sila na nagpapahamak ng kapwa sa pamamagitan ng salita,
at naglalagay ng bitag para sa kanya na sumasaway sa pintuang-bayan,
at isinasaisantabi ang matwid dahil sa bagay na walang kabuluhan.
Kaya nga, ganito ang wika ng Panginoon,
na siyang tumubos kay Abraham,
hinggil sa sambahayan ni Jacob:
Hindi na ngayon mapapahiya si Jacob,
ni hindi na ngayon mamumutla ang kanyang mukha.Subalit kapag nakita niya ang kanyang mga anak,
na gawa ng aking mga kamay, sa piling niya,
papupurihan nila ang aking pangalan,
at papupurihan ang Banal ni Jacob,
at matatakot sa Diyos ng Israel.Sila na nagkamali sa diwa
ay makauunawa,
at sila na bumubulung-bulong
ay matututo ng doktrina.