2 Nephi 27:27

At sa aba nila na nagsisihanap ng mga paraan
_upang ikubli nang malalim ang kanilang mga payo mula sa Panginoon!

At ang kanilang mga gawain ay nasa dilim;
_at sinasabi nila: Sinong nakakikita sa atin, at sinong nakakikilala sa atin?

At kanila ring sinasabi:

Sa katunayan ang inyong pagbabaliktad ng mga bagay
_ay maipalalagay na luwad ng magpapalayok.

Subalit masdan, ipakikita ko sa kanila,
_wika ng Panginoon ng mga Hukbo, na nalalaman ko ang lahat ng kanilang gawain.

Sapagkat masasabi ba ng likha sa lumikha sa kanya,
_hindi niya ako ginawa?

O masasabi ba ng bagay na may anyo
_sa nag-anyo rito,
_wala siyang pang-unawa?

From section: Ang Mga Hatol ng Diyos sa Huling Araw [Isaias 29:13-24]

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary