Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi
- 2 Nephi 25:1–3
- Inamin ni Nephi na ang mga salita ni Isaias ay mahirap unawain, ito ay sa kadahilanang kinakailangan nito ang kaalaman sa mga pamamaraan ng pagpropropesiya ng mga Hebreo.
- 2 Nephi 25:4
- Ang mga salita ni Isaias ay malinaw na mauunawaan sa pamamagitan ng espiritu ng propesiya.
- 2 Nephi 25:5–6
- Si Nephi ay nalulugod sa mga salita ni Isaias, at napagbigyang-alam sa pamamagitan ng kanyang kaalaman sa heograpiyang Israelita at pagpropropesiya ng mga Hudyo.
- 2 Nephi 25:7–8
- Sinimulan ni Nephi ang kanyang mga sariling propesiya; Ang mga salita ni Isaias ay partikular na nauukol sa mga yaong nasa mga huling araw.
- 2 Nephi 25:9–10
- Ang lahat ng mga kabihasnan ay binabalaan bago sila ay mawasak: Ang Jerusalem ay wawasakin sa pamamagitan ng Babilonya.
- 2 Nephi 25:11–13
- Ang Jerusalem ay palalayain, dadalawin ng Mesiyas ang mga Hudyo, subalit siya'y itatakwil at papatayin, ngunit siya'y mabubuhay na mag-uli.
- 2 Nephi 25:14–16
- Matapos ng pagkabuhay na mag-uli ng Mesias, ang Jerusalem ay muling wawasakin, at ang mga Hudyo ay ikakalat.
- 2 Nephi 25:17–19
- Ang Mesias ay magpapanumbalik ng kanyang ebanghelyo at titipunin ang mga tao ng Israel.
- 2 Nephi 25:20
- Si Jesukristo ang natatanging daan upang ang kaligtasan ay maaaring matamo.
- 2 Nephi 25:21–22
- Ang kaalaman patungkol sa Mesias ay mapangangalagaan.
- 2 Nephi 25:23
- Sinubukan ni Nephi na hikayatin ang mga tao na maniwala sa Diyos at maligtas ng kanyang biyaya.
- 2 Nephi 25:24–27
- Ipinamumuhay ng mga Nephita ang batas ni Moises sapagkat aakayin sila nito patungo kay Cristo.
- 2 Nephi 25:28–30
- Itinuro ni Nephi ang tamang daan— ang batas ni Moises ay nararapat na ipamuhay hanggang si Cristo ay dumating upang isakatuparan ito.
- 2 Nephi 26:1–3
- Si Jesukristo ay magpapakita sa mga Nephita sa lupang pangako; mga palatandaan at kababalaghan ay kalakip ng kamatayan ni Jesus.
- 2 Nephi 26:4–6
- Sila na sumasalungat sa Diyos at pinapatay ang mga propeta ay lubusang mawawasak.
- 2 Nephi 26:7–9
- Ang mabuti ay hindi wawasakin, at ang mga Nephita ay mamumuhay ng mapayapa sa halos apat na salinlahi.
- 2 Nephi 26:10–11
- Ang kabihasnang Nephita ay saka mawawasak.
- 2 Nephi 26:12–13
- Ipinakikita ng Diyos ang kanyang sarili sa lahat ng mga bansa.
- 2 Nephi 26:14–16
- Sa huling araw, ang angkan ng mga kapatid na lalaki ni Nephi, ang mga Lamanita, ay sasalaysayin ng mga bumagsak na mga Nephita.
- 2 Nephi 26:17–19
- Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng ang Aklat ni Mormon.
- 2 Nephi 26:20–21
- Samantala, ang mga Gentil ay magsisipagtayo ng mga huwad na simbahan.
- 2 Nephi 26:22–23
- Ang mga lihim na pakikipagsabwatan ay magsisipaglaganap.
- 2 Nephi 26:24–25
- Mahal ng Diyos ang sanlibutan, at inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa kanyang kaligtasan.
- 2 Nephi 26:26–28
- Ninanais ng Diyos na ang lahat ay lumapit sa kanya.
- 2 Nephi 26:29–31
- Hinahatulan ng Panginoon ang huwad na pagkasaserdote, at inuutusan ang lahat na magkaroon ng pag-ibig sa kapwa tao.
- 2 Nephi 26:32–33
- Ang Diyos ay nagbibigay ng kautusan para sa ikabubuti ng kanyang mga anak, na siyang kanyang minamahal.
- 2 Nephi 27:1–2
- Sa mga huling araw, ang mundo ay magiging masama.
- 2 Nephi 27:3
- Sila na sumasalungat sa kaharian ng Diyos ay makatatagpo ng ganap na sama ng loob at kapighatian.
- 2 Nephi 27:4–5
- Sinusumpa ng Panginoon ang mga makasalanang tao.
- 2 Nephi 27:6–8
- Ang isinarang aklat ay ilalabas ng Panginoon.
- 2 Nephi 27:9–11
- Ang aklat ay ipagkakaloob sa isang lalaki, at ito sa huli ay mailalathala ng malawakan.
- 2 Nephi 27:12–14
- Ang aklat, na itinaga mula sa mundo, ay masasaksihan ng ilang mga tao.
- 2 Nephi 27:15–18
- Ang mga salita ng aklat ay dadalhin sa isang marunong na tao, na siyang magsasabi na hindi niya mababasa ang mga ito.
- 2 Nephi 27:19–23
- Ang aklat ay dadalhin sa isang hindi nakapag-aral na tao, at tatanggapin ng mapagpakumbaba.
- 2 Nephi 27:24–26
- Isinusumpa ng Panginoon ang mga mapagkunwari, at inihahayag ang pagpapanumbalik ng ebanghelyo.
- 2 Nephi 27:27
- Pinagtitibay ng Panginoon ang kanyang karunungan sa lahat ng bagay at isinusumpa ang mga mapangmataas.
- 2 Nephi 27:28–32
- Ipakikita ng Diyos ang kanyang kapangyarihan sa mga yaong tumanggi sa kanyang mensahe.
- 2 Nephi 27:33–35
- Ang sambahayan ni Jacob ay pagpapalain.
- 2 Nephi 28:1–2
- Ang nilalaman ng ang Aklat ni Mormon ay magiging napakahalaga.
- 2 Nephi 28:3–4
- Bawat simbahan ay maghahayag na isang totoong simbahan.
- 2 Nephi 28:5–6
- Itinatanggi ang kapangyarihan ng Diyos, ang mga simbahan ay magpapahayag na ang mga himala at paghahayag ay natapos na.
- 2 Nephi 28:7–10
- Marami ang maghahayag na ang pagpapakatwiran sa kasalanan ay katanggap-tanggap.
- 2 Nephi 28:11–14
- Ang kapalaluan at mga maling doktrina ay magiging dahilan ng katiwalian ng relihiyon.
- 2 Nephi 28:15
- Ang mga guro ng mga huwad na relihiyon ay hinahatulan sa impiyerno.
- 2 Nephi 28:16–18
- Ang masasama ay mamamatay, subalit ang pagsisisi ay makapagliligtas sa kanila.
- 2 Nephi 28:19–20
- Ang diyablo at ang kanyang mga alagad ay nararapat na bigyang hamon.
- 2 Nephi 28:21–23
- Ang diyablo, sa pamamagitan ng iba't ibang mga pamamaraan, ay hinihikayat ang mga tao na walang anumang bagay ang dapat katakutan; samantala, ang impiyerno ay nagaabang.
- 2 Nephi 28:24–29
- Ang mga sumpa ay dumarating sa mga yaong hindi sumusunod sa mga salita ng Diyos, o kaya’y tumatanggi sa salita ng Diyos kapag ito ay ibinigay.
- 2 Nephi 28:30–31
- Inihahayag ng Diyos ang kanyang salita ng paunti-unti, sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
- 2 Nephi 28:32
- Sa kabila ng mga kasalanan ng mga Gentil, ang Diyos ay nagkakaloob ng pagsisisi sa kanila.
- 2 Nephi 29:1–3
- Sa oras ng pagpapanumbalik ng ebanghelyo, maraming mga tao ang magsasabi na ang Bibilya ay ang huling salita ng Diyos.
- 2 Nephi 29:4–5
- Ipinaliwanag ng Diyos na ang Bibliya ay kanyang salita lamang bilang paghahayag sa mga hudyo.
- 2 Nephi 29:6–8
- May iba pang mga anak ang Diyos bukod sa mga hudyo, at sa kanila rin, ay inihayag ang kanyang mga salita; dalawang talaan mula sa dalawang magkaibang mga tao ay nagpapatibay at umaalalay sa bawat isa.
- 2 Nephi 29:9–11
- Ang Diyos ay nangungusap sa lahat ng bansa, at kung siya ay nakipagusap sa isa, siya ay makikipag-usap sa iba pa.
- 2 Nephi 29:12–14
- Ang mga talaan ng mga Hudyo, Nephita, at iba pang kabihasnan ay magsasama-sama sa bandang huli.
- 2 Nephi 30:1–2
- May pag-asa para sa mga Gentil—sila’y maaaring magsisi.
- 2 Nephi 30:3–6
- Ang Aklat ni Mormon ay maghihikayat sa marami sa katotohanan tungkol kay Jesukristo.
- 2 Nephi 30:7
- Ang mga Hudyo ay makararating sa kaalaman kay Cristo at magsisimulang matipon sa Sion.
- 2 Nephi 30:8
- Pasisimulan ng Diyos ang pagpapanumbalik ng ebanghelyo.
- 2 Nephi 30:9–10
- Ang hatol ng Diyos ay magbabasbas sa mga mabuti at magpaparusa sa masasama.
- 2 Nephi 30:11–15
- Ang mundo ay magiging isang Eden.
- 2 Nephi 30:16–18
- Ang lahat ng bagay ay ipahahayag sa mga tao ng Diyos.