Masdan, nag-utos ba siya sa sino man
_na lumabas sa sinagoga,
_o lumabas sa mga bahay-sambahan?
Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi.
Nag-utos ba siya sa sino man
_na hindi sila makababahagi ng kanyang kaligtasan?
Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi;
_kundi malaya niya itong ibinibigay sa lahat ng tao;
_at inutusan niya ang kanyang mga tao
_na nararapat nilang hikayatin ang lahat ng tao na magsisi.
Masdan, nag-utos ba ang Panginoon sa sino man
_na hindi sila makababahagi ng kanyang kabutihan?
Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi;
_kundi lahat ng tao ay may pribilehiyo, ang isa tulad ng iba,
_at walang pinagbabawalan.