Hindi siya gumagawa ng anumang bagay maliban na lamang kung para sa kapakanan ng sanlibutan; sapagkat mahal niya ang sanlibutan, maging ang kanyang sariling buhay ay inialay niya upang mapalapit ang lahat ng tao sa kanya. Dahil dito, wala siyang inuutusan na hindi sila makababahagi ng kanyang kaligtasan. Masdan, sumisigaw ba siya sa sino man, sinasabing:
Lumayo sa akin?
Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi; kundi sinasabi niya:
Magsilapit sa akin
_lahat kayong nasa mga dulo ng mundo,
_bumili ng gatas at pulot,
_nang walang salapi at walang bayad.