Ikaw na hangal, na magsasabi:
‘Isang Biblia, mayroon na kaming Biblia,
_at hindi na namin kailangan pa ng karagdagang Biblia.’ [i]2316[/i]Nagkaroon ba kayo ng Biblia
_maliban sa ito ay sa pamamagitan ng mga Judio?
_Hindi ba ninyo alam na maraming bansa hindi lamang iisa?Hindi ba ninyo alam na ako,
_ang Panginoon ninyong Diyos, ang lumikha sa lahat ng tao,
_at naaalaala ko yaong
_mga nasa pulo ng dagat;At na ako ang namamahala sa kalangitan sa itaas
_at sa lupa sa ibaba;At isinisiwalat ko ang aking salita
_sa mga anak ng tao,
_oo, maging sa lahat ng bansa sa mundo?Dahil dito, bumulung-bulong kayo,
_dahil ba sa kayo ay tatanggap pa ng karagdagang salita ko?Hindi ba ninyo alam na ang patotoo ng dalawang bansa
_ay saksi sa inyo na ako nga ang Diyos,
_na naaalaala ko ang isang bansa gaya ng iba?
_Dahil dito, sinasabi ko ang mga gayon ding salita
_sa isang bansa gaya ng sa iba.
_at kapag ang dalawang bansa ay susulong na magkasabay,
_ang patotoo ng dalawang bansa
_ay susulong ding magkasabay.