Ngunit ganito ang wika ng Panginoong Diyos:
O mga hangal, sila’y magkakaroon ng Biblia;
At iyon ay manggagaling sa mga Judio,
_na aking mga sinaunang pinagtipanang tao.
_at ano ang pasasalamatan nila sa mga Judio sa Biblia
_na kanilang tinanggap mula sa kanila?
_Oo, ano ang ibig sabihin ng mga Gentil?Naaalaala ba nila ang mga paghihirap,
_at ang mga pagpapagal, at ang mga pasakit ng mga Judio,
_at ang kanilang pagsusumikap para sa akin,
_sa pagdadala ng kaligtasan sa mga Gentil?O kayong mga Gentil,
_inyo bang naaalaala ang mga Judio,
_na aking mga sinaunang pinagtipanang tao?Hindi, kundi inyong isinumpa sila,
_at kinamuhian sila,
_at hindi naghangad na sila ay mabawi.Ngunit masdan, ibabalik ko sa inyong sariling mga ulo
_ang lahat ng bagay na ito;Sapagkat ako, ang Panginoon ay hindi nakalilimot sa aking mga tao.