2 Nephi 29:1–3

Ngunit masdan, magkakaroon ng marami—sa araw na yaon kung kailan ako ay magpapatuloy na gagawa ng isang kagila-gilalas na gawain sa kanila upang maalaala ko ang aking mga tipan na aking ginawa sa mga anak ng tao, upang maihanda kong muli ang aking kamay sa ikalawang pagkakataon upang mabawi ko ang aking mga tao, na kabilang sa sambahayan ni Israel;

At gayundin, upang maalaala ko ang aking mga pangakong ginawa sa iyo, Nephi, at gayundin sa iyong ama, upang maalaala ko ang iyong mga binhi; at nang ang mga salita ng iyong mga binhi ay mamutawi mula sa aking bibig patungo sa iyong mga binhi; at ang aking mga salita ay titimo hanggang sa mga dulo ng mundo, upang maging sagisag ng aking mga tao, na kabilang sa sambahayan ni Israel; At dahil ang aking mga salita ay titimo—Marami sa mga Gentil ang magsasabi:

‘Isang Biblia! Isang Biblia!
_Mayroon na kaming Biblia, at hindi na
_magkakaroon pa ng karagdagang Biblia.’

From section: Ang Pagtanggap sa Mga Banal Na Kasulatan

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary