2 Nephi 29:9–11

At ito ay ginagawa ko
_upang mapatunayan ko sa marami
_na ako rin ang siyang
_kahapon, ngayon, at magpakailanman;
_at sinasabi ko ang aking mga salita
_alinsunod sa aking sariling kasiyahan.

At sapagkat ako’y nakapagsabi na ng isang salita
_ay hindi ninyo dapat akalain na hindi na ako muling magsasalita;
_sapagkat ang aking gawain ay hindi pa natatapos;
_ni hindi pa hanggang sa katapusan ng tao,
_ni sa simula ng panahong iyon at magpakailanman.

Dahil dito, sapagkat mayroon kayong Biblia
_ay hindi ninyo dapat akalain na yaon ay naglalaman na ng lahat kong salita;
_ni hindi ninyo dapat akalain
_na ako ay hindi na magpapasulat pa ng karagdagan.

Sapagkat inuutusan ko ang lahat ng tao,
_kapwa sa silangan
_at sa kanluran,
_at sa hilaga,
_at sa timog,
_at sa mga pulo ng dagat,
_na kanilang isulat ang mga salitang
_aking sasabihin sa kanila;

Sapagkat mula sa mga aklat na isusulat
_ay hahatulan ko ang sanlibutan,
_bawat tao alinsunod sa kanyang mga gawa,
_alinsunod doon sa nasusulat.

From section: Ang Pagtanggap sa Mga Banal Na Kasulatan

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary