Sapagkat masdan, magsasalita ako
_sa mga Judio
_at kanilang isusulat ito;At magsasalita rin ako
_sa mga Nephita
_at kanilang isusulat ito;At magsasalita rin ako
_sa ibang mga lipi ng sambahayan ni Israel,
_na aking inakay palayo,
_at kanilang isusulat ito;At ako ay magsasalita rin
_sa lahat ng bansa sa mundo
_at kanilang isusulat ito. [i]2317[/i]At ito ay mangyayari
_na ang mga Judio ay magkakaroon
_ng mga salita ng mga Nephita,
_at ang mga Nephita ay magkakaroon
_ng mga salita ng mga Judio;At ang mga Nephita at ang mga Judio ay magkakaroon
_ng mga salita ng mga nawalang lipi ni Israel; [i]2318[/i]
_at ang mga nawalang lipi ni Israel ay magkakaroon
_ng mga salita ng mga Nephita at ng mga Judio.At ito ay mangyayari na ang aking mga tao,
_na nabibilang sa sambahayan ni Israel,
_ay titipunin pauwi
_sa mga lupaing kanilang pag-aari.At ang aking salita ay matitipon din sa isa.
_at ipakikilala ko sa kanila
_na makikipaglaban sa aking salita
_at laban sa aking mga tao,
_na nabibilang sa sambahayan ni Israel,
_na ako ang Diyos,
_at na ako ay nakipagtipan kay Abraham
_na aking aalalahanin ang kanyang mga binhi magpakailanman.