2 Nephi 30:1–2

At ngayon masdan, mga minamahal kong kapatid, mangungusap ako sa inyo; sapagkat ako, si Nephi, ay hindi tutulutang ipagpalagay ninyo na higit kayong mabubuti kaysa sa mga Gentil. Sapagkat masdan, maliban kung susundin ninyo ang mga kautusan ng Diyos kayong lahat ay masasawi rin; at dahil sa mga salitang sinabi ay hindi ninyo dapat ipagpalagay na lubusang malilipol ang mga Gentil.

Sapagkat masdan, sinasabi ko sa inyo, na kasindami ng mga Gentil na magsisisi ay mga pinagtipanang tao ng Panginoon; at kasindami ng mga Judio na hindi magsisisi ay itatakwil; sapagkat ang Panginoon ay hindi nakikipagtipan sa kanino man maliban sa kanila na nagsisisi at naniniwala sa kanyang Anak, na siyang Banal ng Israel.

From section: Ang Mga Hudyo, Mga Hentil, Ang Panunumbalik at Ang Pagtitipon

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary