2 Nephi 26:1–3

At matapos na bumangon mula sa patay si Cristo ay ipakikita niya ang sarili sa inyo, aking mga anak, at aking mga minamahal na kapatid; at ang mga salitang sasabihin niya sa inyo ay magiging batas na inyong gagawin.

Sapagkat masdan, sinasabi ko sa inyo na namasdan kong lilipas ang maraming salinlahi, at magkakaroon ng malalaking digmaan at alitan sa aking mga tao.

At matapos pumarito ang Mesiyas ay may ibibigay na mga palatandaan sa aking mga tao hinggil sa kanyang pagsilang, at gayon din ng kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli; at magiging dakila at kakila-kilabot ang araw na yaon sa masasama, sapagkat masasawi sila; at masasawi sila sapagkat ipinagtabuyan nila ang mga propeta, at ang mga banal, at binato nila, at pinatay sila; dahil dito, ang pagsusumamo ng dugo ng mga banal ay makararating sa Diyos mula sa lupa laban sa kanila.

From section: Ang Pagdalaw ni Kristo sa Mga Naninirahan sa Mundo

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary