2 Nephi 26:4–6

Dahil dito, lahat ng yaong palalo, at gumagawa ng kasamaan, sa araw na darating ay susunugin sila, wika ng Panginoon ng mga Hukbo, sapagkat matutulad sila sa pinaggapasan. At sila na pumatay sa mga propeta, at sa mga banal, sila ay lulunukin ng kailaliman ng mundo, wika ng Panginoon ng mga Hukbo; at tatakpan sila ng mga bundok, at tatangayin silang palayo ng buhawi, at mababagsakan sila ng mga gusali at dudurugin sila nang pira-piraso at gigilingin sila hanggang maging pulbos.

At sila ay parurusahan ng mga pagkulog, at pagkidlat, at paglindol, at lahat ng uri ng pagkawasak, sapagkat ang apoy ng galit ng Panginoon ay mag-aalab laban sa kanila, at magiging tulad sila ng pinaggapasan, at ang araw na darating ay tutupok sa kanila, wika ng Panginoon ng mga Hukbo.

From section: Ang Pagdalaw ni Kristo sa Mga Naninirahan sa Mundo

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary