At sa kabutihan ay hahatulan ng Panginoong Diyos ang mga maralita, at hahatulan nang may katwiran ang maaamo ng mundo. At babagabagin niya ang mundo sa pamamagitan ng pamalo ng kanyang bibig; at sa pamamagitan ng hinga ng kanyang mga labi ay papatayin niya ang masasama.
Sapagkat mabilis na darating ang panahon na gagawa ng malaking paghahati ang Panginoong Diyos sa mga tao, at lilipulin ang masasama; at patatawarin niya ang kanyang mga tao, [i]2321[/i] oo, maging kung nararapat na kanyang lipulin ang masasama sa pamamagitan ng apoy.