At katwiran ang magiging bigkis ng kanyang baywang
_at katapatan ang bigkis ng kanyang balakang.
At pagkatapos maninirahan ang lobo na kasama ng kordero
At mahihiga ang leopardo na kasiping ang batang kambing, at ang guya,
_at ang batang leon, at ang patabain ay magkasamang manginginain;
At aakayin sila ng isang maliit na bata. [i]2322[/i]
At manginginain ang baka at ang oso.
At ang kanilang mga anak ay sama-samang mahihiga.
At kakain ng dayami ang leon na tulad ng baka.
At ang pasusuhing bata ay maglalaro sa lungga ng ahas,
_at ipapasok ng sanggol na kaaawat pa lamang ang kanyang kamay
_sa lungga ng ulupong.
At hindi sila mananakit ni maninira sa lahat ng aking banal na bundok;
_sapagkat mapupuno ang mundo ng kaalaman tungkol sa Panginoon,
_tulad ng pagkapuno ng tubig sa karagatan.