Subalit masdan, magpopropesiya ako sa inyo hinggil sa mga huling araw; hinggil sa mga araw na isisiwalat ng Panginoong Diyos ang mga bagay na ito sa mga anak ng tao. [i]2305[/i]
Matapos na ang aking mga binhi at ang mga binhi ng aking mga kapatid ay manghina sa kawalang-paniniwala, at mabagabag ng mga Gentil; oo, matapos humimpil ang Panginoong Diyos laban sa kanila sa palibot, at makubkob sila, at magtayo ng mga kuta laban sa kanila; at matapos ibaba sila sa alabok, hanggang sa sila ay malipol, gayon pa man ang mga salita ng mabubuti ay masusulat, at maririnig ang mga panalangin ng matatapat, at ang lahat ng yaong nanghina sa kawalang-paniniwala ay hindi malilimutan.
Sapagkat ang mga yaong malilipol ay magsasalita sa kanila mula sa lupa, at ang kanilang pananalita ay manggagaling sa alabok, at ang kanilang tinig ay tulad sa yaong kilalang diwa; sapagkat ang Panginoong Diyos ay magbibigay sa kanya ng kapangyarihan upang makabulong siya hinggil sa kanila; maging sa ito ay mula pa sa lupa; at ang kanilang pananalita ay bubulong mula sa alabok.