At tulad ng aking sinabi hinggil sa pagpapaniwala ng mga Judio, na si Jesus ang tunay na Cristo, talagang kinakailangang mapaniwala rin ang mga Gentil na si Jesus ang Cristo, ang Diyos na Walang Hanggan. At ipinakikilala ang kanyang sarili sa lahat ng yaong naniniwala sa kanya, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo; oo, sa bawat bansa, lahi, wika, at tao, gumagawa ng mga makapangyarihang himala, palatandaan, at kababalaghan, sa mga anak ng tao alinsunod sa kanilang pananampalataya.