2 Nephi 26:10–11

At kapag lumipas na ang mga bagay na ito ay isang mabilis na pagkalipol ang sasapit sa aking mga tao; sapagkat sa kabila ng mga pasakit ng aking kaluluwa, ay nakita ko ito; dahil dito, nalalaman ko na ito ay mangyayari; at ipinagbili nila ang kanilang sarili sa walang kabuluhan; sapagkat, bilang gantimpala sa kanilang kapalaluan at kanilang kahangalan sila ay aani ng pagkalipol; sapagkat nagpadaig sila sa diyablo at pinili ang mga gawain ng kadiliman kaysa liwanag, samakatwid tiyak na bababa sila sa impiyerno. Sapagkat hindi tuwinang nananatili sa tao ang Espiritu ng Panginoon. At kapag wala na ang Espiritu ng Panginoon sa tao ay sasapit ang mabilis na pagkalipol, at ito ang ipinagdaramdam ng aking kaluluwa.

From section: Ang Pagdalaw ni Kristo sa Mga Naninirahan sa Mundo

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary