Subalit ang aklat ay ibibigay sa isang lalaki, at kanyang ibibigay ang mga salita ng aklat, na mga salita ng yaong nagsitulog sa alabok, at ibibigay niya ang mga salitang ito sa iba;
Subalit ang mga salitang mahigpit na isinara ay hindi niya ibibigay, ni hindi niya ibibigay ang aklat. Sapagkat mahigpit na isinara ang aklat ng kapangyarihan ng Diyos, at ang paghahayag na mahigpit na isinara ay iingatan sa aklat hanggang sa sumapit ang sariling takdang panahon ng Panginoon, upang ang mga ito ay lumabas; sapagkat masdan, ipinahahayag ng mga ito ang lahat ng bagay mula sa pagkakatatag ng daigdig hanggang sa katapusan niyon.
At darating ang araw na ang mga salita ng aklat na mahigpit na isinara ay babasahin sa mga bubungan; [i]2309[/i] at ang mga ito ay mababasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo; at ang lahat ng bagay ay ipahahayag sa mga anak ng tao kung ano man ang nangyari na sa mga anak ng tao, at kung ano man ang mangyayari pa hanggang sa katapusan ng mundo.