At, bagaman naniniwala tayo kay Cristo, ay sinusunod natin ang mga batas ni Moises, at matatag na umaasa kay Cristo, hanggang sa matupad ang mga batas. Sapagkat, sa layuning ito ibinigay ang mga batas; dahil dito nawalang-saysay ang mga batas sa atin, at buhay tayo kay Cristo dahil sa ating pananampalataya; gayon man sinusunod natin ang mga batas dahil sa mga kautusan.
At nangungusap tayo tungkol kay Cristo,
_nagagalak tayo kay Cristo,
_nangangaral tayo tungkol kay Cristo,
_nagpopropesiya tayo tungkol kay Cristo,
_at sumusulat tayo alinsunod sa ating mga propesiya,
_upang malaman ng ating mga anak
_kung kanino sila aasa
_para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Dahil dito, nangungusap kami hinggil sa mga batas upang malaman ng aming mga anak ang pagkawalang-kabuluhan ng mga batas; at sila, sa pamamagitan ng pagkaalam ng pagkawalang-kabuluhan ng mga batas, ay makaaasa sa buhay na yaong na kay Cristo, at malalaman ang layunin kung bakit ibinigay ang mga batas. At matapos matupad ang mga batas kay Cristo, na hindi nila kinakailangang patigasin pa ang kanilang mga puso laban sa kanya kapag kinakailangan nang palitan ang mga batas.