Oo, at marami ang magsasabi:
Magsikain, magsiinom, at magsipagsaya,
_sapagkat mamamatay tayo bukas;
_at ito ay makabubuti sa atin.
At marami rin ang magsasabi:
Magsikain, magsiinom, at magsipagsaya;
_gayon pa man, matakot sa Diyos—
_kanyang bibigyan ng katwiran ang paggawa ng kaunting kasalanan;
_oo, magsinungaling nang kaunti,
_pagsamantalahan ang isa
_dahil sa kanyang mga salita,
_humukay ng hukay para sa iyong kapwa;Walang masama rito;
_at gawin ang lahat ng bagay na ito,
_sapagkat bukas tayo ay mamamatay;At kung tayo man ay may kasalanan,
_hahagupitin tayo ng Diyos ng ilang palo,
_at sa wakas tayo ay maliligtas
_sa kaharian ng Diyos.
Oo, at marami ang magtuturo sa ganitong pamamaraan, mali at palalo at mga hangal na doktrina, at magiging mapagmataas sa kanilang mga puso, at maghahanap ng kalaliman upang ikubli ang kanilang mga payo mula sa Panginoon; [i]2315[/i] at ang kanilang mga gawain ay nasa dilim. At ang dugo ng mga banal ay daraing mula sa lupa laban sa kanila.