2 Nephi 27:1–2

Subalit masdan, sa mga huling araw, o sa mga araw ng mga Gentil—oo, masdan, lahat ng bansa ng mga Gentil at gayon din ng mga Judio, kapwa yaong mga darating sa lupaing ito at yaong mga nasa mga ibang lupain, oo, maging sa lahat ng lupain sa mundo, masdan, malalango sila sa kasamaan at lahat ng uri ng karumal-dumal na gawain— [i]2306[/i]

At kapag dumating ang araw na yaon, parurusahan sila ng Panginoon ng mga Hukbo, sa pamamagitan ng mga kulog at lindol, at ng labis na kaingayan, at ng unos, at ng bagyo, at sa pamamagitan ng alab ng nagniningas na apoy.

From section: Ang Mga Pagtutol Laban sa Sion sa Huling Araw [Isaias 29:6-10]

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary