2 Nephi 25:11–13

At ngayon sinasabi ko ito dahil sa espiritu na nasa akin. At bagaman sila ay dinala palayo, sila ay muling magbabalik, at aangkinin ang lupain ng Jerusalem; dahil dito, maibabalik silang muli sa lupaing kanilang mana.

Subalit masdan, magkakaroon sila ng mga digmaan, at alingawngaw ng mga digmaan; at kapag dumating ang araw na ang Bugtong na Anak ng Ama, oo, maging ang Ama ng langit at ng lupa, ay magpapakita ng kanyang sarili sa kanila sa laman, masdan, kanilang itatakwil siya, dahil sa kanilang mga kasamaan, at sa katigasan ng kanilang mga puso, at sa katigasan ng kanilang mga leeg.

Masdan, kanilang ipapako siya sa krus; at matapos siyang ilagay sa libingan sa loob ng tatlong araw ay babangon siya mula sa patay, [i]1156[/i] na may pagpapagaling sa kanyang mga bagwis; at ang lahat ng yaong maniniwala sa kanyang pangalan ay maliligtas sa kaharian ng Diyos. Dahil dito, ang aking kaluluwa ay nalulugod na magpropesiya hinggil sa kanya, sapagkat nakita ko ang kanyang panahon, at ipinagmamalaki ng aking puso ang kanyang banal na pangalan.

From section: Ang Mga Hudyo at Ang Messias

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Turo ni Nephi

Commentary