At muli ito ay mangyayari na sasabihin ng Panginoon sa kanya na babasa sa mga salitang ibibigay sa kanya:
Yayamang ang mga taong ito ay lumalapit sa akin
_sa pamamagitan ng bibig lamang,
_at pinapupurihan ako ng kanilang mga labi,
_samantalang inilayo ang kanilang mga puso sa akin,
_at ang kanilang pagkatakot sa akin
_ay itinuro ng mga tuntunin ng tao—Samakatwid, magpapatuloy akong gumawa ng
_kagila-gilalas na gawain sa mga taong ito,
_oo, isang kagila-gilalas at kamangha-manghang gawain, [i]2312[/i]
_sapagkat ang karunungan ng kanilang matatalino at marurunong
_ay mapapawi,
_at ang pang-unawa ng kanilang mahinahon
_ay malilingid.