Ikaw na hangal, na magsasabi:
‘Isang Biblia, mayroon na kaming Biblia,
at hindi na namin kailangan pa ng karagdagang Biblia.’Nagkaroon ba kayo ng Biblia
maliban sa ito ay sa pamamagitan ng mga Judio?
Hindi ba ninyo alam na maraming bansa hindi lamang iisa?Hindi ba ninyo alam na ako,
ang Panginoon ninyong Diyos, ang lumikha sa lahat ng tao,
at naaalaala ko yaong
mga nasa pulo ng dagat;At na ako ang namamahala sa kalangitan sa itaas
at sa lupa sa ibaba;At isinisiwalat ko ang aking salita
sa mga anak ng tao,
oo, maging sa lahat ng bansa sa mundo?Dahil dito, bumulung-bulong kayo,
dahil ba sa kayo ay tatanggap pa ng karagdagang salita ko?Hindi ba ninyo alam na ang patotoo ng dalawang bansa
ay saksi sa inyo na ako nga ang Diyos,
na naaalaala ko ang isang bansa gaya ng iba?
Dahil dito, sinasabi ko ang mga gayon ding salita
sa isang bansa gaya ng sa iba.
at kapag ang dalawang bansa ay susulong na magkasabay,
ang patotoo ng dalawang bansa
ay susulong ding magkasabay.