Sapagkat masdan, magsasalita ako
sa mga Judio
at kanilang isusulat ito;At magsasalita rin ako
sa mga Nephita
at kanilang isusulat ito;At magsasalita rin ako
sa ibang mga lipi ng sambahayan ni Israel,
na aking inakay palayo,
at kanilang isusulat ito;At ako ay magsasalita rin
sa lahat ng bansa sa mundo
at kanilang isusulat ito.At ito ay mangyayari
na ang mga Judio ay magkakaroon
ng mga salita ng mga Nephita,
at ang mga Nephita ay magkakaroon
ng mga salita ng mga Judio;At ang mga Nephita at ang mga Judio ay magkakaroon
ng mga salita ng mga nawalang lipi ni Israel;
at ang mga nawalang lipi ni Israel ay magkakaroon
ng mga salita ng mga Nephita at ng mga Judio.At ito ay mangyayari na ang aking mga tao,
na nabibilang sa sambahayan ni Israel,
ay titipunin pauwi
sa mga lupaing kanilang pag-aari.At ang aking salita ay matitipon din sa isa.
at ipakikilala ko sa kanila
na makikipaglaban sa aking salita
at laban sa aking mga tao,
na nabibilang sa sambahayan ni Israel,
na ako ang Diyos,
at na ako ay nakipagtipan kay Abraham
na aking aalalahanin ang kanyang mga binhi magpakailanman.