Sapagkat masdan, ang panahon ay darating, at hindi na nalalayo, na taglay ang kapangyarihan, ang Panginoong Makapangyarihan na naghahari, kung sino noon, at ngayon, mula sa lahat ng kawalang-hanggan, hanggang sa kawalang-hanggan, ay bababa mula sa langit sa mga anak ng tao, at mananahan sa isang katawang-lupa, at hahayo sa mga tao, gagawa ng mga makapangyarihang himala, tulad ng pagpapagaling ng may karamdaman, pagbuhay ng patay, pagpapalakad ng pilay, ang bulag nang makatanggap ng kanilang paningin, at ang bingi upang makarinig, at pagpapagaling ng lahat ng uri ng sakit. At siya ay magpapalayas ng mga diyablo, o ng masasamang espiritu na nananahan sa mga puso ng mga anak ng tao.