Sapagkat masdan, [i]2749[/i] ang panahon ay darating, at hindi na nalalayo, na taglay ang kapangyarihan, ang Panginoong Makapangyarihan na naghahari, kung sino noon, at ngayon, mula sa lahat ng kawalang-hanggan, hanggang sa kawalang-hanggan, ay bababa mula sa langit sa mga anak ng tao, [i]2389[/i] at mananahan sa isang katawang-lupa, at hahayo sa mga tao, gagawa ng mga makapangyarihang himala, [i]1415[/i] tulad ng pagpapagaling ng may karamdaman, [i]1161[/i] pagbuhay ng patay, pagpapalakad ng pilay, [i]2751[/i] ang bulag nang makatanggap ng kanilang paningin, at ang bingi upang makarinig, at pagpapagaling ng lahat ng uri ng sakit. At siya ay magpapalayas ng mga diyablo, o ng masasamang espiritu na nananahan sa mga puso ng mga anak ng tao. [i]2750[/i]