Ang Talumpati ni Haring Benjamin
- Mosiah 2:9
- Si Benjamin ay nagsimulang magsalita sa mga tao.
- Mosiah 2:9
- Buksan ang inyong mga tainga, puso, at isipan sa mensahe ni Benjamin.
- Mosiah 2:10
- Si Benjamin ay isa lamang mortal, at hindi dapat katakutan.
- Mosiah 2:11
- Si Benjamin ay saklaw ng mga sakit at mga kahinaan, subali siya ay umaasa sa kapangyarihan ng Diyos upang maisakatuparan ang kanyang mga tungkulin.
- Mosiah 2:12
- Si Benjamin ay namuno sa karangalan at kabutihang-loob.
- Mosiah 2:13
- Sinasalungat ni Benjamin ang pagkaalipin at pagpatay, at hinikayat ang kanyang mga tao na sundin ang mga kautusan ng Diyos.
- Mosiah 2:14
- Si Benjamin ay nagpapagal para sa kanyang sariling ikabubuhay, at hindi nagpapataw ng mga hindi nararapat na mga buwis.
- Mosiah 2:15
- Si Benjamin ay nagsalita hindi upang magmalaki, subalit gawing malinis ang kanyang budhi.
- Mosiah 2:16
- Sa lahat ng mga sandaling ito, si Benjamin ay nasa paglilingkod lamang sa Diyos.
- Mosiah 2:17
- Ang paglilingkod sa mga tao ay katulad din ng paglilingkod sa Diyos.
- Mosiah 2:18
- Kung paglilingkuran ng hari ang kanyang mga tao, hindi ba't nararapat na ang mga tao ay maglingkod para sa isa't-isa?
- Mosiah 2:19
- Kung ang tagalupang hari ay karapat-dapat sa anumang pasasalamat, sa ngayon gaano karami ang mga pasasalamat na ang ating Makalangit na Hari ay natatanggap?
- Mosiah 2:20
- Salamat sa Panginoon sa paglikha at pagpapanatili sa inyo.
- Mosiah 2:21
- Gayunpaman, ang dami ng mga pasasalamat, papuri, o mabubuting gawa ay hindi sapat upang ituwid ang sarili sa harapan ng Diyos.
- Mosiah 2:22
- Hinihingi ng Panginoon ang pagsunod sa kanyang mga kautusan.
- Mosiah 2:23
- Ang mga tao ay nagkakautang sa Diyos sa kanilang buhay.
- Mosiah 2:24
- Ang pagsunod sa mga kautusan ay nagdudulot ng madaliang pagpapala, na siyang nagdaragdag ng pagkakautang ng tao sa Diyos.
- Mosiah 2:25
- Ang mga tao ay wala, katulad ng mga alabok ng lupa.
- Mosiah 2:26
- Maging ang mga hari ay sa alabok.
- Mosiah 2:27
- Si Benjamin ay may malinis na budhi hinggil sa kanyang panunungkulan bilang hari.
- Mosiah 2:28
- Pinawalang-sala ni Benjamin ang kanyang sarili mula sa mga kasalanan ng kanyang mga tao sa pamamagitan ng pagtatagubilin sa kanila sa katwiran.
- Mosiah 2:29
- Inihayag ni Benjamin na hindi na siya magiging hari ng mga tao.
- Mosiah 2:30
- Hindi na maisagawa ni Benjamin ang kanyang mga tungkulin dahil sa kanyang katandaan, kaya’t kanyang ipinaliwanag na ang Diyos ay nag-utos sa kanya na italaga ang kanyang anak na si Mosias bilang kanyang kapalit.
- Mosiah 2:31
- Sundin ang mga kautusan at umunlad sa lupain.
- Mosiah 2:32
- Iwasan ang mga pagtatalo-talo.
- Mosiah 2:33
- Ang pagtatalo-talo at pagkamatay sa kasalanan ay magdudulot ng kapahamakan.
- Mosiah 2:34
- Lahat ng dumalo ay naaralan ng ebanghelyo, at ng kasaysayan ng kanilang mga ama.
- Mosiah 2:35
- Ang kanilang ama ay nagsalita ng kung ano ang inutos ng Diyos sa kanila.
- Mosiah 2:36
- Ang ilang mga tao ay tatanggapin sa una ang ebanghelyo, at pagkatapos ay tatanggihan ito.
- Mosiah 2:37
- Ang mga taong ito ay naghihimagsik laban sa Diyos, naging kaaway sa katwiran, at walang lugar sa kinaroroonan ng Panginoon.
- Mosiah 2:38
- Ang tao na namatay bilang kaaway ng Diyos ay dadalhin ng may buhay na damdamin ng kanyang sariling kasalanan.
- Mosiah 2:39
- Ang mga dayuhan sa Diyos ay hindi makakabahagi sa makalangit na awa.
- Mosiah 2:40
- Si Benjamin ay nagsalita ng malinaw upang ang lahat ay makaunawa.
- Mosiah 2:41
- Alalahanin kung gaano kasaya at pinagpala ang mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos.
- Mosiah 3:1
- Ipinaliwanag ni Benjamin na siya ay maghuhula sa mga pangyayaring mangyayari sa hinaharap.
- Mosiah 3:2
- Siya ay nasabihan ng mga pangyayaring ito ng isang anghel na bumisita sa kanya isang gabi.
- Mosiah 3:3–27
- Inihayag ni Benjamin ang mga salita ng anghel, na nagsabi sa kanya tungkol sa pagparito ni Cristo, ang kapangyarihan ng kanyang pagbabayad-sala para sa sangkatauhan, at ang kahalagahang tanggapin siya ng may pagpepenitensiya.
- Mosiah 4:1
- Si Benjamin ay tumigil sa kanyang talumpati, at nakikita na ang kanyang mga tao lahat ay nangapalugmok sa lupa, natatakot sa Panginoon.
- Mosiah 4:2
- Ang mga tao ay nagpakumbaba ng kanilang mga sarili at nagsumamo para sa biyaya ni Jesus upang padalisayin at iligtas sila.
- Mosiah 4:3
- Ang Espiritu Santo ay naghayag sa kanila na ang kanilang mga hiling ay naipagkaloob.
- Mosiah 4:4
- Si Benjamin ay nagpatuloy sa pagsasalita sa mga tao.
- Mosiah 4:4
- Tinawag ni Benjamin ang pansin ng mga tao.
- Mosiah 4:5
- Ang kaalaman sa Diyos ay magbibigay alam sa inyo sa nahulog na kalagayan ng tao.
- Mosiah 4:6
- Ang kaalaman sa Diyos ay magdudulot ng kasigasigan sa pagsunod sa kanyang mga kautusan.
- Mosiah 4:7
- Ang kaligtasan ay natatanggap sa pamamagitan ng pagbabayad-sala.
- Mosiah 4:8
- Walang ibang pamamaraan upang makatanggap ng kaligtasan kundi sa pamamagitan ni Cristo.
- Mosiah 4:9
- Maniwala sa Diyos, sa kanyang kapangyarihan, at sa kanyang karunungan.
- Mosiah 4:10
- Magsisi at talikuran ang inyong mga kasalanan.
- Mosiah 4:11
- Makibahagi sa pag-ibig ng Diyos, at tumanggap ng kapatawaran sa inyong mga kasalanan.
- Mosiah 4:12
- Mapuspos ng pag-ibig ng Diyos, at panatilihin ang kapatawaran sa inyong mga kasalanan.
- Mosiah 4:13
- Mamuhay sa kapayapaan.
- Mosiah 4:14
- Mangalaga sa inyong mga anak at turuan sila na iwasan ang pagtatalo-talo.
- Mosiah 4:15
- Turuan sila na lumakad sa katotohanan, at magmahal.
- Mosiah 4:16
- Tulungan ang mga yaong nangangailangan.
- Mosiah 4:17
- Maaring ikaw ay matuksong sabihin na ang mahihirap ay nagdala sa kanilang mga sarili ng kapightian.
- Mosiah 4:18
- Ang kaugaliang ito ay nangangailangan ng matinding pagsisisi.
- Mosiah 4:19
- Tayo bang lahat ay hindi mga pulubi? Lahat tayo ay umaasa sa mga biyaya ng Diyos.
- Mosiah 4:20
- Ang Espiritu ay nagdala ng kaligayan sa mga yaong nagsisi.
- Mosiah 4:21
- Nararapat nating ibahagi ang ating kabuhayan sa isa’t isa, sapagkat tayong lahat ay may utang na loob sa Diyos para sa ating buhay at pag-iral.
- Mosiah 4:22
- Sila na mga makasarili sa yaong mga nangangailangan ay siya ring hahatulan sa huling paghuhukom.
- Mosiah 4:23
- Ang kabuhayan ay mawawalang kasama ng mga tao.
- Mosiah 4:24
- Sila na mahihirap ay maaring walang mapagkukunan upang tulungan ang iba pang mahihirap na tao, subalit ang kaugalian at ang pagnanais na magbahagi ang pinaka-mahalaga.
- Mosiah 4:25
- Sa pagkakaroon lamang ng kaugaliang ito ay makapagaalis na ng inyong mga sala, kung kayo ay hindi magiimbot ng mga yaong hindi inyo.
- Mosiah 4:26
- Panatilihin ang kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga mahihirap.
- Mosiah 4:27
- Ang mga tao ay hindi hinihingan na gumawa ng higit sa kaya nilang gawin.
- Mosiah 4:28
- Kung ikaw ay humiram ng isang bagay, ibalik din ito.
- Mosiah 4:29
- Maraming mga pamamaraan upang makagawa ng mga kasalanan.
- Mosiah 4:30
- Bantayan ang inyong mga sarili, sundin ang mga kautusan, at umasa sa pagparito ng Panginoon.
- Mosiah 5:1
- Si Benjamin ay nagpasabi sa kanyang mga tagapakinig na kilalanin ang kanilang mga reaksiyon sa kanyang mensahe.
- Mosiah 5:2–5
- Ang mga tao ay sabay-sabay na binanggit na ang Diyos ang nagpabago ng kanilang puso, at sila ay nagnanais na makipagtipan sa Diyos upang gawin ang kanyang kagustuhan.
- Mosiah 5:6
- Si Benjamin ay nagpatuloy na nagsalita sa kanyang mga tao.
- Mosiah 5:6–7
- Ang mga tao ay tumugon sa pamamaraang ninanais ni Benjamin para gumawa ng isang tipan, sila ngayon ay tatawaging mga anak ni Cristo.
- Mosiah 5:8
- Ang tipan kay Cristo ay siyang nagdadala ng tunay na kalayaan.
- Mosiah 5:9
- Sila na may ugnayan kay Cristo ay makatatagpo ng pabor sa Diyos.
- Mosiah 5:10
- Sila na hindi mga kapanalig ni Cristo, ay hindi makatatanggap ng biyaya.
- Mosiah 5:11
- Tanging ang kasalanan ang maghihiwalay sa mga yaong nakipagtipan mula kay Cristo.
- Mosiah 5:12
- Panatilihin ang pangalan ni Cristo sa inyong mga puso.
- Mosiah 5:13
- Paano makikilala ng isang tao ang kanyang panginoon na hindi niya pinaglingkuran?
- Mosiah 5:14
- Gayundin, ang paghahayupan ay hindi tumutugon sa mga yaon maliban sa kanilang mga panginoon.
- Mosiah 5:15
- Maging matatag, hindi natitinag, at managana sa mabubuting gawa, at makatanggap ng buhay na walang-hanggan sa pamamagitan ng karunungan, kapangyarihan, katarungan, at awa ng Diyos.