Ang Talumpati ni Haring Benjamin

Kaligtasan

Mosiah 4:4

Si Benjamin ay nagpatuloy sa pagsasalita sa mga tao.

At muling binuksan ni haring Benjamin ang kanyang bibig at nagsimulang magsalita sa kanila, sinasabing:

Mosiah 4:4

Tinawag ni Benjamin ang pansin ng mga tao.

Aking mga kaibigan at aking mga kapatid, aking mga kaanak at aking mga tao, muli kong tatawagin ang inyong pansin, upang inyong marinig at maunawaan ang nalalabi sa aking mga salita na sasabihin ko sa inyo.

Mosiah 4:5

Ang kaalaman sa Diyos ay magbibigay alam sa inyo sa nahulog na kalagayan ng tao.

Sapagkat masdan, kung ang kaalaman ng kabutihan ng Diyos sa oras na ito ay gumising sa inyo sa isang damdamin ng inyong kawalang-kabuluhan, at inyong pagiging walang kahalagahan at nahulog na kalagayan—

Mosiah 4:6

Ang kaalaman sa Diyos ay magdudulot ng kasigasigan sa pagsunod sa kanyang mga kautusan.

Sinasabi ko sa inyo, kung kayo ay nakarating sa kaalaman ng kabutihan ng Diyos, at ng kanyang di mapapantayang kapangyarihan, at kanyang karunungan, at kanyang kahinahunan, at kanyang mahabang pagtitiis sa mga anak ng tao; at gayundin, ang pagbabayad-sala na inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig, nang sa gayon ang kaligtasan ay mapasakanya na magbibigay ng pagtitiwala niya sa Panginoon, at magiging masigasig sa pagsunod sa kanyang mga kautusan, at magpapatuloy sa pananampalataya maging hanggang sa katapusan ng kanyang buhay, ang buhay ng katawang mortal ang tinutukoy ko—

Mosiah 4:7

Ang kaligtasan ay natatanggap sa pamamagitan ng pagbabayad-sala.

Sinasabi ko, na ito ang taong tumatanggap ng kaligtasan, sa pamamagitan ng pagbabayad-salang inihanda mula sa pagkakatatag ng daigdig para sa buong sangkatauhan, sa simula pa ng pagkahulog ni Adan, o sinuman ngayon o sinuman sa darating, maging hanggang sa katapusan ng daigdig.

Mosiah 4:8

Walang ibang pamamaraan upang makatanggap ng kaligtasan kundi sa pamamagitan ni Cristo.

At ito ang paraan kung paano ang kaligtasan ay darating. At walang ibang kaligtasan maliban dito sa nabanggit; ni walang ibang mga hinihingi kung paano ang tao ay maliligtas maliban sa mga hinihinging aking sinabi sa inyo.